Total deployment ban Kuwait
National

Total deployment ban sa Kuwait, inalis na – DOLE Sec. Bello

PWEDE na ulit magtrabaho sa bansang Kuwait ang mga manggawang Pinoy matapos alisin ang total deployment ban sa nasabing bansa.

Ito ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos magkasundo ang dalawang bansa sa pagbibigay proteksyon sa mga OFWs.

Sa ilalim ng pinirmahang kasunduan, hindi maaaring kunin ng mga employer ang pasaporte ng mga OFWs.

Papayagan rin ang mga ito na makagamit ng cellphone matapos ang kanilang trabaho.

Bibigyan rin ang mga ito ng day off with pay at kailangan ring may itinakdang oras ng trabaho at pamamahinga ng mga ito.

Hindi rin papayagan ang basta-bastang paglipat ng mga ito ng employer na walang abiso mula sa Philippine labor attache.

Kabilang naman sa papayagan na ring makapunta sa Kuwait ang mga dati at newly hired na household service workers.

Magugunita na una ng pinayagan ng DOLE ang mga semi-skilled workers, mga skilled workers and professionals na magtrabaho sa naturang bansa matapos ipatupad ang partial lifting ng ban.

Ipinatupad naman ang total ban matapos patayin ng kanyang amo ang Pinay worker na si Jeanelyn Villavende.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *