total deployment ban
National

Total deployment ban ng mga OFWS sa Kuwait, binawi na

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa total deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Ginawa ito ng pangulo limang araw matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) na nagbibigay proteksyon sa mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasunod ng ito rekomendasyon ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Una nang inalis ng pamahalaan ang deployment ban para sa mga skilled at semi-skilled workers sa nasabing bansa.

Pamilyang Demafelis, inalok na saksihan ang pagdinig sa kaso ni Joanna

Inalok ng pamahalaan ng Kuwait ang pamilya ng nasawing Pinay worker na si Joanna Demafelis na saksihan ang pagdinig sa mga nasa likod ng pagpatay sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito’y matapos tanggihan ng Lebanese at Syrian governments ang hiling na extradition proceedings ng Kuwait.

Dahil aniya rito ay plano ng Lebanese at Syrian governments na magsagawa ng sariling pagdinig sa pagpatay kay Demafelis.

Sinabi ni Bello na kapag natuloy ito ay sasagutin ng Kuwaiti government ang lahat ng gastusin para masaksihan ng mga magulang at kaanak ni Demafelis ang pagdinig gayundin ang serbisyo ng abogado.

Nahaharap sa death penalty ang Lebanese na si Nader Essam Assaf at maybahay na Syrian na si Mona Hassoun dahil sa pagpatay sa Pinay worker na natagpuan ang katawan sa loob ng freezer sa kanilang apartment sa kuwait noong Pebrero.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *