Tokyo amusement park na Toshimaen, nagsara na matapos ang 94 taong operasyon

Tokyo amusement park na Toshimaen, nagsara na matapos ang 94 taong operasyon

MAGSASARA na ang pinakamalaking amusement park sa Tokyo na kilala bilang Toshimaen matapos ang 94 taon nitong operasyon.

Unang nagbukas ang Toshimaen amusement park sa Tokyo noong Setyembre 1926.

Taglay ng Toshimaen amusement park ang mahigit sa 30 rides at mga atraksiyon kabilang na ang kahoy na carousel na ginawa sa Germany noong 1907 at dinala sa parke noong 1971.

Taglay rin nito ang 350-meter na doughnut-shaped pool na ipinakilala sa publiko noong 1955 na itinuturing na kauna-unahang lazy river pool sa mundo.

Isinagawa ang huling pagtatanghal ng park noong Lunes ng gabi kung saan sa huling pagkakataon ay dinumog ng mga tao bilang kanilang huling alaala sa kinalakihang parke.

Nakatakda naman bibilhin ng Tokyo Metropolitan Government ang halos 22 ektaryang site na planong tatayuan din ng parke, habang ang green space dito ay gagamitin bilang  emergency shelter sakaling magkakaroon ng kalamidad.

Nakatakda naman bubuksan sa unang bahagi ng taong 2023 ang isang bagong Harry Potter Theme Park sa lugar na magkakaroon ng display ng mga film set, costumes at props na ginamit sa mga fantasy film base sa mga sikat na nobela ni British author J.K. Rowling.

Ito na ang ikalawang pasilidad kasunod ng Warner Brothers Studio Tour London-The Making of Harry Potter, na binuksan sa Britanya noong 2012 at nakapagtala na ng mahigit sa 1.4 milyong bisita.

Ayon sa railway operator na Seibu Railway Co., na pagmamay-ari ng Toshimaen, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nito at ng mga kompanyang Itochu Corp at Warner Brothers Entertain Inc. para sa bahagi ng Toshimaen site sa Nerima Ward sa Tokyo na gagawing Harry Potter facility.

Samantala, kinumpirma noong Lunes ng Tokyo Metropolitan Government ang buwanang tala ng impeksyon ng coronavirus sa Agosto na umabot sa 8,126, nilampasan nito ang naitalang 6,466 na bagong kasong naitalanoong Hulyo.

Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 20,817 ang bilang ng impeksyon sa Tokyo , habang nasa 67,264 naman sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *