Sports

Tokyo 2020 Summer Olympics, ipagpapaliban dahil sa COVID-19

NAPAGDESISYUNAN na ng International Olympic Committee (IOC) na ipagpaliban ang Tokyo 2020 Summer Olympics dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ay ayon mismo kay IOC Member Dick Pound at aniya ay maaaring idaos na lamang ang olympic games sa susunod na taon.

Matatandaan na nauna nang umurong ang mga major sporting nations gaya ng Australia at Canada matapos na himukin ang mga organizers na ipagpaliban muna ang 2020 Tokyo Summer Games.

Ayon pa kay Pound, ang one-year postponement ang pinaka magandang solusyon kaya’t ibig sabihin nito ay maaring idaos ang Tokyo Summer Games sa July 24-August 9, 2021.

Kinakailangan naman munang kumonsulta ng IOC sa stakeholders mula sa organizing committee, sa mga atleta, broadcasters at sporting federations bago pa ma-finalize ang plano ngunit aniya ay positibo namang makapagdaos ng 2021 Summer Games.

Ito ang unang pagkakataon na ipagpapaliban ang olympic games sa loob ng 124-year history nito.

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close