Sports

TNT, SMB nagpalit ng manlalaro


Nagpalit ng manlalaro ang San Miguel Beermen (SMB) at TNT KaTropa kasabay ng pagsisimula ng Philippine Basketball Association (PBA) All-Star Week.
Inilipat sa Beermen si Matt Ganuelas-Rosser kapalit ni RR Garcia.
Nagpasalamat naman si Rosser sa kanyang teammates, coaches, management at fans ng TNT na sumuporta sa kanya.
Excited naman umano si Rosser sa bagong koponan na sa ngayon ay nangunguna pa rin sa standing ng PBA.
Samantala, si Garcia naman ang pinakabagong Far Eastern University (FEU) Tamaraw na mapabibilang sa TNT.
Makasasama niya sa TNT ang mga dati ring FEU star players na sina RR Pogoy, Francis Tamsi at dating FEU Coach Nash Racela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *