TikTok at WeChat, ban na sa Amerika simula Setyembre 20

TikTok at WeChat, ban na sa Amerika simula Setyembre 20

IPAGBABAWAL na ng US Commerce Department ang TikTok at WeChat simula Setyembre 20, araw ng Linggo (oras ng lugar).

Sa simula ay hindi halos apektado ang user ng TikTok kapag ito ay naka-install na sa kanilang phone dahil maaari pa nila itong magamit kaya nga lang ay hindi na makatatanggap ang mga ito ng update mula sa nasabing app.

Hindi na rin makikita ang TikTok sa app store para sa nais mag-install o mag-reinstall nito sa Amerika.

Samantala, hindi kagaya ng TikTok malaki ang magiging apekto nito ng app ng WeChat dahil magkakaroon ito ng bagong patakaran na magiging iligal ang pag-transfer ng internet traffic mula rito  o paggamit sa anumang code o serbisyo kabilang ang pag-transfer ng funds at pagproseso ng mga payment.

Ipatutupad ang kaparehong patakaran sa TikTok sa darating na Nobyembre 12 at maging ang desisyon ng may-ari ng app – ang ByteDance sa pagbenta ng US operations nito sa isang American company.

Ngunit ayon sa ulat ay walang plano ang ByteDance na ibenta ang operasyon nito sa nasabing bansa sa isang US company.

Ayon naman sa source mula sa White House ay plano nang hadlangan ni President Donald Trump ang mga app at hindi nito tinatanggap ang deal ng isang US company at ByteDance.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *