Andy Murray
Sports

Three-time grandslam champion Andy Murray, nakatikim ng pagkatalo

HINDI pinalad ang nagbabalik na three-time grand slam champion na si Andy Murray sa muli nitong paglalaro sa singles tournament.

Natalo si Murray sa naging match nito kay Richard Gasquet sa first round ng Western and Southern Open.

Nagtapos ang tunggalian ng dalawa sa score na 6-4, 6-4 pabor kay Gasquet.

Kung titignan ito ang muling pagkakataon na lumahok si Murray sa singles tournament matapos mag-withdraw ito sa Australian Open dahil sa kaniyang injury.

Matatandaang dumaan si Murray sa kaniyang second hip surgery noong Enero kungsaan nalagyan ito ng metal implant.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *