Thirdy Ravena, sumailalim sa matagumpay na finger surgery sa Japan

Thirdy Ravena, sumailalim sa matagumpay na finger surgery sa Japan

SUMAILALIM sa isang matagumpay na finger surgery ang San-En NeoPhoenix import na si Thirdy Ravena matapos nitong ma-fracture ang daliri nito sa isang game noong Huwebes.

Pansamantalang inilabas sa Japan B. League si Ravena dahil sa injury nito ay nagtamo ng metacarpal oblique fracture sa kanang daliri nito sa kalagitnaan ng laban nito sa Sub Rockers Shibuya kung saan natali ito sa iskor na 80-81.

Umalis si Ravena sa kalagitnaan ng third quarter ng laro matapos ang natamong injury at hindi na ito muling bumalik.

Nakatakda sanang maglaro ang three-time UAAP Champion sa All-Star Game ng B League at Dunk Contest ngunit pinalitan na ito dahil sa nangyaring injury.

Sa official post naman ni Ravena sa kanyang official Instagram account ay ibinahagi nito ang update sa kanyang naging operasyon at pinasalamatan ang kanyang organisasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *