bibisita sa bansa
Showbiz

“The Rose”, bibisita sa bansa para sa isang concert

Matapos ang sunod-sunod na pagbisita ng Korean Girl Groups at Boy Groups sa bansa ay isang Korean Pop Rock Band naman ang nakatakdang mag-concert sa Pilipinas.

Inanunsyo ng South Korean Band na “The Rose” na nakatakda itong magtanghal sa bansa sa susunod na buwan.

Ito ay bilang parte ng kanilang “We Rose You Live” tour.

Gaganapin ang one-night only concert ng banda sa Samsung Hall sa Taguig City sa December 15.

Ang “The Rose” ay sumikat noong 2017 dahil sa kanilang hit single na “Sorry”.

Selena Gomez, nanguna sa Billboard Hot 100 sa kauna-unahang pagkakataon

SA kauna-unahang pagkakataon sa kaniyang singing career ay nanguna sa pamosong Billboard Hot 100 ang popstar na si Selena Gomez.

Isang linggo lamang makalipas ang release ng kaniyang bagong single na “Lose You To Love Me” ay nasungkit na nito ang number one spot sa sikat na music chart.

Sa social media, hinsi maitago ng popstar ang kaniyang labis na excitement at pagkagulat sa panibagong milestone.

Aniya, personal at malapit sa kaniyang puso ang awitin kung kaya’t labis ang pasasalamat nito sa mainit na pagtanggap ng publiko.

Bukod sa Billboard Hot 100 ay number one din ang naturang kanta sa Rolling Stone 100.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *