‘The Filipino Flash’ Nonito Donaire, tinanghal bilang Fighter of the Year ng Premier Boxing

‘The Filipino Flash’ Nonito Donaire, tinanghal bilang Fighter of the Year ng Premier Boxing

TINANGHAL bilang Premier Boxing Champions’ 2021 Fighter of the Year si Four-Division Champion Nonito “The Flash” Donaire Jr.

Kasunod ito ng pagkapanalo ng 39-years old na si “The Flash” Donaire laban kay 35-years old na si Nordine Oubaali noong May 2021 ayon sa Premiere Boxing.

Noong Disyembre 2021 lang din nang nanalo si Donaire laban sa kapwa nitong Filipino Boxer na si Reymart Gaballo dahilan para madepensahan nito ang kanyang titulo bilang WBC World Bantamweight Champion.

Sa kabuuan, may 42 wins at 6 loss si Donaire.

Samantala, ang Pinoy rin na si Mark Magsayo ang syang tinanghal bilang Knockout of the Year ng PBC matapos nanalo ito laban kay Mexican Boxer Julio Ceja noong August 2021.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *