Thailand, nag-anunsyo na maraming trabahong bakante ngayong Oktubre

Thailand, nag-anunsyo na maraming trabahong bakante ngayong Oktubre

NAGPAHAYAG ang pamahalaan ng Thailand na maraming trabahong bakante ngayong Oktubre.

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng border ng pamahalaan ng Thailand ngayong Nobyembre 1, nagpahayag ang labor ministry ng bansa na maraming trabahong bakante ngayong Oktubre.

Ayon kay Labour Minister Suchart Chomklin ngayong Oktubre na aabot sa 222,871 na bakanteng trabaho ang mayroon ang bansa.

Ilan sa mga nangungunang trabahong iniaalok ng bansa packing factory workers, store salesperson, business service personnel, trade representatives, technical at maging commercial salesperson.

Kabilang rin dito ang manufacturing, motorcycle retailer, wholesale shop, construction, medical supplies, finance at insurance.

Dagdag pa ni Chomklin inabisuhan na nito ang Department of Employment na maghanda ng listahan para sa mga bakanteng trabaho upang makapili ng maayos ang mga gustong mag -apply.

Maaari naman umanong bisitahin ng mga tao ang website ng pamahalaan upang makakalap pa ng ibang impormasyon.

Samantala, naghanda narin ng video clips ang Department of Employment upang ma-promote ang 42 kumpanya sa 16 na probinsya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *