kinumpirma
International

Thailand, kinumpirma ang pinakaunang kaso ng pneumonia virus galing China

KINUMPIRMA ng United Nations at Thai officials noong Lunes na natuklasan ang pinakaunang kaso ng kakaibang pneumonia virus sa Thailand na dahilan ng outbreak ngayon sa China.

Ayon sa Thai doctors ay isang 61 taong gulang na babaeng Chinese ang nagpositibo sa nasabing corona virus galing china at tiniyak na kanila itong naagapan habang kasalukuyang nagpapagaling na ang pasyente.

Nangako naman ang Thai authoriities na mas paiigtingin pa ang pagmomonitor sa kanilang airports dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turistang Chinese sa kanilang bansa ngayong Chinese New Year.

Magugunitang ipinasara ang isang Seafood Market sa Wuhan City matapos maapektuhan ng hindi pa matukoy na coronavirus ang nasa 41 pasyente sa China habang isa na ang kumpirmadong nasawi dahil sa virus noong Huwebes.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *