Thai Red Cross, namahagi ng COVID-19 vaccines sa migrant workers

Thai Red Cross, namahagi ng COVID-19 vaccines sa migrant workers

NAMAHAGI ng COVID-19 vaccines ang Thai Red Cross sa mga migrant workers.

Bilang tugon sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa, sa pangunguna ng Red Cross society binigyan ng COVID-19 booster shots ang mga migrant workers ng Thailand.

Target ng programa na bakunahan ang aabot sa 5,000 manggagawa ng bansa, sa ngayon nasa 300 pa lamang sa mga ito ang nakatanggap sa nasabing mga bakuna.

Ayon kay Tej Bunnag, Secretary-General ng society kung mas maraming manggagawa ang mababakuhan masisiguro rin nila ang kaligtasan ng iba pang mga mamamayan sa bansa na hindi mahawaan ng nasabing virus.

Sa tala naman ng International Organization for Migration tinatayang aabot sa apat hanggang limang milyong manggagawa ang naka rehistro ngayon sa bansa.

Samantala, nasa 10,000 Sinopharm vaccines ang inilaan ng Thai Red Cross society at hinihintay na lang ngayon ng pamahalaan ang pagdating ng mga nasabing mga bakuna sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *