TFBM, nangakong tatapusin ang Marawi rehabilitation sa termino ni PRRD

TFBM, nangakong tatapusin ang Marawi rehabilitation sa termino ni PRRD

NANGAKO si Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman Secretary Eduardo Del Rosario na makukumpleto ang mga public infrastructures rehabilitation sa Marawi City sa termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang inihayag ni TBFM Chairman and Housing Chief matapos na manawagan si Pangulong Duterte sa task force na madaliin ang paggawa sa Marawi City sa kanyang huling State of The Nation Address (SONA).

Ayon kay Del Rosario, sa ngayon ay nasa 70-75% nang kumpleto ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ayon sa TFBM, buwanan nang nagsasagawa ng inspeksyon si Del Rosario sa Marawi matapos simulan ang vertical at horizontal structures noong Hulyo 2020.

Sinabi rin ng task force, noong isang linggo lamang nang bisitahin ni Del Rosario ang Marawi kung saan pinangunahan nito ang pagbibigay ng 170 pang kabahayan sa mga pamilya na nawalan ng tirahan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *