Testigo, isiniwalat ang mga sangkot sa malawakang illegal firearms trade

Testigo, isiniwalat ang mga sangkot sa malawakang illegal firearms trade

ISINAWALAT ng isang testigo ang mga sangkot sa malawakang illegal firearms trade.

Walang humpay ang bentahan ng iligal na armas sa bansa at ito ang isa sa mga malaking problemang  kinakaharap ng mga awtoridad.

Dahil dito ay lalong pinalakas ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines(ISAFP) at Regional Intelligence Division(RID) ng NCRPO at kanilang info sharing para tugisin ang mga grupo nagpapalaganap ng mga illegal firearms trade.

Matatandaan na naging matagumpay ang kanilang ginawang buy bust operation sa isang bahay sa Pulong, Buhangin sa Sta. Maria Bulacan na kung saan nakuha ang isang sniper rifle shotgun, pistol at sandamakmak na mga gun parts na nakatakdang i-assemble.

Kasabay din nilang nadiskubre ang isa pang bodega na punong-puno ng mga piyesa ng baril na agad naman nilang hinakot.

Ang mga piyesang ito ang sinasabing mapanalunan ng isang bidding ng nagngangalang Nicolas.

Pero ani General Danao ay dapat sinira na ito para hindi na mapakinabangan.

Ang mga armas na ito ang sinusuplay sa mga teroristang grupo at malakas na din ang demand dahil election.

At dahil sa magaling na kooperasyon at koordinasyon ng intelligence ng NCRPO at AFP nakuha nila ang isang testigo na itinago sa alyas “Boy” na matagal na may alam sa mga lakad ng kanyang kasamahan mula sa pagsusuplay ng mga baril at libu-libong mga bala.

Ayon sa kanyang salaysay, bago pa man mag-lockdown noong Enero 2020 ay napag-utusan na siya ng nagngangalang Julius na maghanap ng mapagbibilhan ng 30,000 rounds ng caliber 7.62 mm na ginagamit sa M14 para isuplay sa Surigao City.

“For I remember sometimes in January 2020 before the COVID-19 pandemic I was task by Julius to look for seller of 7.62 ammunitions. He said that there is a bulk order consisting of (30,000) of caliber 7.62 ammunitions from His regular client in Surigao city,’’ ayon kay alyas Boy na isang witness.

Agad naman na kumilos si Boy para makabili ng bala sa kanyang isang kakilala na kung binebenta ang isang bala ng 7.63 caliber ng 110 ang isa at kukuha ng 15,000 rounds na nagkakahalaga ito ng 1.5-M pesos.

Kalaunan ay napag-alaman ni Boy na NPA pala ang kanilang mga sinusuplayan ng mga libu-libong bala ng M14 at ginagawa ang kanila bayaran sa gun store ni Julius.

“I learned that the said transaction was paid our contact in the NPA known as Elmer through cash payment into two payment installment. The first payment was paid at Lincuna gun store of Julius by a certain @Gerry contact and associate of Elmer. The second installment was also delivered by Gerry at Lincuna gun store in Batasan Hills Quezon City,”ayon kay Boy.

At dahil dito, nakahanda si Boy na ilahad ang lahat ng pangalan ng personalidad na sangkot sa pagbibigay ng support materials sa mga NPA maging mga local terrorist group sa central Mindanao sa pamamagitan ng mga armas, bala at iba pang military equipment para lalu pang mapalakas ang pwersa ng kalaban sa pagsagawa ng karahasan laban sa gobyerno at mga inosenteng sibilyan.

“That I am also willing to divulge the names of personalities who were involved in providing materials support to the NPA and even local terrorist groups in Mindanao by providing them their ordered firearms, ammunitions and other military equipment to boost their military capability to conduct atrocities, unlawful activities and terrorist act against the government and the civilian populace,”dagdag nito.

Sinabi din ni Boy na boluntaryong desisyon ang kanyang naging hakbang na makipagtulungan sa kapulisan upang isiwalat ang lahat ng mahahalagang impormasyon na kanyang nalalaman upang matulungan ang pamahalaan na mapigilan ang paglaganap ng iligal firearms at ammunitions at mailayo sa nalalapit na gagawing Terorismo sa pangunguna ng NPA at ibang kasaping organisasyon.

“That it is my voluntarily decision to cooperate with the PNP to divulge all the relevant information I have known to help the government to prevent proliferation of illegal firearms and ammunition and avert the imminent acts of terror to be perpetrated by the NPA and their allied organizations,” ayon nito.

Ani Danao, hindi nauubos ang kalaban maging ang kanilang mga baril at bala dahil sa malalaking supplier nito.

Pero kung sakali man na may papel o kaukulang dokumento ang mga nakuhang mga parte ng armas ay hindi papayag si General Danao na hindi ito mapupolbos.

May malaking posibilidad naman na sangkot ang ilang ahensya sa nasabing iligal na gawain.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *