missile system
National

Test fire sa bagong missile system ng bansa, idinepensa

DUMIPENSA ang Philippine Navy sa pagsasagawa ng test fire activity ng bagong missile system sa Lamao Point, Limay, Bataan.

Hindi nila intensyon na isagawa ang naturang missile test sa dalawang araw na pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa pahayag ng Navy spokesman na si Commander Jonathan Zata,

Aniya, ilang beses ng naantala ang planong pagsasagawa ng missile test at ngayon lamang aniya ito nabigyan ng pagkakataon.

Kaugnay nito, ibinahagi ng Philippine Navy ang kahalagahan ng Spike-Extended Range (ER) surface-to-surface missile system capability demonstration.

Patunay aniya ito na may kapabilidad ang kanilang hanay na hawakan ang kauna-uanahang bagong weapon system ng bansa.

Bukod sa test fire, nagpakawala rin ng rocket kasama ang kanilang brand-new attack helicopter at automatic machine gun system.

Naka-mount ito sa kanilang tatlong missile-equipped multi-purpose attack craft.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *