Baliwag Transit
Metro

Terminal ng Baliwag Transit sa Quezon City, ipinasara ng Quezon City Government

IPINISARA ng Quezon City ang government ang iligal terminal ng Baliwag Transit sa EDSA South Bound sa pagitan ng Bansalangin at Bulacan Street.

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama din ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang nanguna ngayong umaga sa pagpapasara ng terminal na napag-alamang ginagawa ding garahe ng mga bus.

Ayon kay Mayor Belmonte, ginamit ng Baliwag Transit gamit ang permit ng ibang terminal branch nito para makapag-operate sa branch sa QC.

Dagdag pa ng Alkalde, mananatiling sarado ang terminal hangga’t hindi nito naaayos ang mga permit.

Pinag-iisipan din nito ang pagsasampa ng kaso laban sa Baliwag Management dahil sa pagamit nito ng pekeng bussiness permit.

Maaaring maharap sa kasong paglabag sa Falsification of Public Documents at Quezon City Revenue Code ang pamunuan ng Baliwag dahil sa iligal na operasyon.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *