Tennis superstars
Sports

Tennis superstars Roger Federrer at Rafael Nadal, muling magkakaharap

MULING inaabangan ang pagtatapat ng dalawang tennis superstars na sina Swiss tennis superstar Roger Federer at Spanish tennis superstar Rafael Nadal.

Magkakaharap muli ang dalawang magkaribal sa 40th installment ng Wimbledon matapos ang halos labing-isang taon.

Matatandang huling nagkatapat ang dalawang manlalaro noong 2008 na isa sa pinaka hindi malilimutang laban sa kasaysayan ng Wimbledon.

Magtatapat ang dalawa sa isang semifinal match matapos talunin ni Federer si Kei Nishikori sa score na 4-6, 6-1, 6-4 at 6-4 habang nilampaso naman ni Nadal si Sam Querrey sa score na 7-5, 6-2 at 6-2.

Inaasahan ang paghaharap ng dalawa sa centre court ng Wimbledon tournament ngayong Biyernes.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *