Fig Gymnastics World Championship 2019
Sports

Team USA, nakuha ang ginto sa FIG Gymnastics World Championship 2019

MULING pinatunayan ng team USA ang kanilang ‘supremacy’ sa larangan ng gymnast matapos masungkit ang ginto sa women’s team finals ng FIG Gymnastics World Championship 2019.

Ginanap ang katatapos lang na torneyo sa Hanns-Martin-Schleyer-Halle sa Stuttgart, Southern Germany nitong martes.

Nasungkit ng mga Us gymnast ang titulo pagkaraang makapagtala ng 172.330 points.

Naungusan nito ang bansang Russia na mayroong 166.593 points at nakuha ang silver medal.

Pumangatlo naman ang bansang Italy na nakapagtala ng 164.796 points.

 

US gymnast Simone Biles, nasungkit ang kaniyang ika-15 World Championships title

NANGUNA para sa panalo ng team USA ang gymnast star na si Simone Biles.

Ito na ang ika-labing limang world title ni Biles at mayroon ng kabuuang dalawamput-isang medalya.

Kung babalikan naman ang record ng team USA sa huling walong taon, ito na ang kanilang ika-apat na team title kasama si Simones.

 

SMNI NEWS 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *