unang araw ng SEA Games
Sports

Team Pilipinas nakahakot ng 22 gold medals sa unang araw ng SEA Games

ANIMO’Y umuulan ang gintong medalya sa unang araw ng SEA Games o 30th Southeast Asian Games SEA Games dahil sa pagbuhos ng medalyang ginto sa iba’t ibang larangan ng sports at events na sinalihan ng mga Pinoy athletes.

Nakasungkit agad ang mga atletang Pinoy ng 22 gintong medalya sa unang araw ng SEA Games. Kabilang sa mga nakapagbigay ng gold medals sa bansa ay si world champion na si Carlo Yulo sa Men’s Artistic Gymnastics-Individual All-Around.

Apat na gold medals at ang back-to-back golds naman ang naiambag ng mga atleta sa Arnis matapos manalo si Niño Mark Talledo sa Live Stick Featherweight sa Men’s Division, habang panalo din ng gintong medalya si Cunamay Villardo sa Arnis-Men’s Lightweight +60kg less 65kg.

Nabingwit naman ni Talledo ang unang gold medal nito sa Arnis-Men’s Featherweight +55kg less than 60kg.

Muli rin namang humataw para sa gold medal performance ang mga Pinoy sa Dancesports sa Latin category sa Single Dance Rumba at sa sa Dance sport-Single Dance Cha Cha. Ang gold sa Dance sport-Single Dance Samba ay napunta rin sa mga Pinoy.

Kabilang pa sa nagbigay swerte ay ang Sepak Takraw-Men’s Hoop Event kung saan nakakuha ng 670 points ang Pilipinas, habang nasungkit rin ni Dexler Balambao sa men’s bantamweight 55kg and below category sa Arnis competitions ang dagdag na gold medal para sa bansa.

Nakuha naman ni Jezebel Morcillo ang ika-23 gold medal sa women’s live stick bantamweight Arnis sa Pampanga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *