wagi
Sports

Team PH, wagi ng gold medal sa Obstacle Course Racing

PATULOY ang paghakot ng mga atletang Pinoy ng mga medalya sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Kaninang umaga nang makakuha ng dalawang gintong medalya ang team PH matapos na manalo sa 400 m team assist at 400 m relay ng Obstacle Course Race sa SEA Games na ginanap sa Filinvest City sa Muntinlupa.

Ito ang unang gold medal ng Pilipinas para sa ika-apat araw ng nagpapatuloy na SEA Games.

Samantala nakakuha naman ng silver medal si Rochelle Suarez sa 100m individual obstacle course.

Sa ngayon, mayroong 99 na overall medals ang Pilipinas sa SEA Games.

 

SMNI NEWS 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *