Sports

Team owner ng National Basketball League, dismayado sa pang-iinsulto ni Trump sa mga atleta

Dismayado ang kaibigan ni US Pres. Donald Trump na nagkataon ding isang team owner sa hindi magandang komento nito sa mga atleta ng kanilang bansa.
Ayon kay Robert Kraft ng New England Patriots, hindi nito ikinatuwa ang pang-iinsulto ni Trump sa mga manlalaro.
Una rito, tinawagna“sons of bitches”n i Trump ang mga aktibistang National Football League (NFL) players na hindi tumayo sa pagtugtog ng national anthem ng Amerika bilang kanila umanong protesta sa pagtrato sa mga minority citizens.
Nabatid na lumuhod ang mga NFL stars habang pinapatugtog ang pambansang awit ng Estados Unidos bago mag-umpisa ang liga bilang protesta raw sa nagging pahayag ni Trump.
Sakabilang dako, sinabi naman ni Trump na sila umano ang bahala kung ano ang gusto nilang gawin.
Iginiit rin ni Trump, inilabas lamang niya ang kanyang saloobin na hindi raw magandang tingnan para sa kanilang bansa ang nasabing gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *