DAHIL sa aktibong kontribusyon at pagtulong sa ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya, kinilala at pinarangalan ng World Council Excellence Awards o WCEA ang Team Advocate Change Club, sa ginanap na Global Excellence Awards & Convention sa Tanauan, Batangas.
Pormal na iginawad ang iba’t ibang Awards sa Founder nito na si Dr. Alvin Sahagun. Ilan sa mga parangal ay ang:
- Outstanding Humanitarian Leader
- Man of the World Outstanding Organizational President for year 2021
- CEO Achiever
- Gawad Filipino Business Achiever
- Asian Achiever Advocate
- Gawad Sinag 2021 Modelong Filipino
Dahil sa pagkapili nito sa WCEA ay kasama na ang Team ACC sa mga Certified Corporate International Member nito sa ilalim ng Diamond Pearl Membership.
Bilang bahagi ng adbokasiya, nagpapatuloy ang Advocate Change Club sa pagsasagawa ng mga outreach and feeding programs, community pantry, tree planting activities, pag-tulong sa mga frontliners at marami pang iba.
Ang WCEA Ministry Inc. ay isa sa mga Award Giving Institution na kumikilala at nagpupugay sa mga indibidwal na natatangi ang husay sa kani-kanilang propesyun, at mga personalidad o organisasyon na may tunay na malasakit sa ating mga kababayan, lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Kasama rin sa mga pinarangalan ay sina Col. Romulo R. Satparam, ng Philippine Army; ang actress na si Patricia Javier, at marami pang iba.
Inaasahang magiging inspirasyon ng marami ang mga pinarangalan at mahikayat silang ipagpatuloy ang mga nasimulang adbokasiya para sa kapwa at para sa bayan.