Teachers ng private schools na nawalan ng trabaho, kukunin ng Taguig LGU

Teachers ng private schools na nawalan ng trabaho, kukunin ng Taguig LGU

KUKUNIN ng Taguig City Government ang mga teachers sa private schools na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Sa panayam ng SMNI News team kay Dr. George Tizon ang Chief Supervisor Head ng Taguig City Education Office, 50% sa mga estudyante sa mga private school ng Taguig ang nabawas o lumipat sa public schools ng lungsod dulot ng pandemya.

Bunsod nito marami na rin sa mga guro ng mga private schools ang nawalan ng trabaho.

Dahil dito sa ilalim ng Taguig Tutorial Program kukunin o  iha-hire ng Taguig LGU ang mga teacher na nawalan ng trabaho sa pribadong eskwelahan upang gawing private tutor.

Ginawa din ang programang ito upang may mapupuntahan ang mga guro na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Ayon pa kay Tizon ang initial program ay nangangailangan ng 500 teachers kasama ng para teachers

Ibig sabihin yung mga nirekomenda ng mga baranggay chairman na may kapasidad na magturo at maaring makatulong sa mga kapitbahay nila na may  estudyante ay puwedeng maturuan.

Bukod pa dito may programa din ang Taguig LGU na tinatawag na Taguig Learners Certificate o TLC.

Sa ilalim ng programang ito ang mga bata na nag-enroll sa public ay maaring kunin ng private schools para mag aral sa pribadong eskwelahan at ang magbabayad ng kanilang tuition fee ang mismong Taguig LGU.

Dagdag pa ni Tizon sa ilalim ng TLC may 60 private schools ang member dito kung saan may ina-advance payment na sa mga ito para sa buong taon.

Bukod pa dito meron din silang cash benefits na na nakukuha sa TLC program.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *