Taylor Swift
Showbiz

Taylor Swift, planong muling i-record ang kaniyang kanta mula sa unang 6 na album

PINAG-iisipan na ngayon ng pop superstar na si Taylor Swift ang plano na muling i-record ang lahat ng kaniyang kanta mula sa unang 6 na studio album.

Ito ay para muli niyang makuha ang pagmamay-ari sa naturang mga album matapos ang kaniyang pag-alis sa dating record label na Big Machine na siyang ngayong may hawak ng kaniyang lumang musika.

Say ng hit maker, upang ma-regain niya ang control sa kaniyang 6 na multi-platinum album ay plano nito isa-isahin ang muling pagrecord at pagproduce ng naturang mga awitin.

Noong Hunyo nang maglabas ng sama ng loob si Taylor sa social media nang malaman niton ibinenta na kay Scooter Braun ang dati niyang record label.

Matatandaang sinabi ni Taylor na base sa kaniyang kontrata ay wala na siyang kontrol at hindi na niya pagmamay-ari ang kaniyang mga awitin.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *