Metro

Taxi drivers sa Metro Manila, pabor sa pagpapatupad ng contactless payments

WoodProfit

MATAPOS maglabas ng memorandum ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa pagpapatupad ng cashless o contactless payments sa mga taxi at Transport Network Vehicle Services, agad naman itong tinugunan sa mga pinayagan ng bumiyahe sa mga lugar kung saan ipinatutupad ang General Community Quarantine.

 

“For taxi operators, taxi meters should be calibrated, and drivers of ‘street-hailed’ taxis should be registered with online payment services for cashless transactions,” ayon sa LTFRB.

 

Kasama ang cashless payment sa Memorandum Circular No. 2020-018 bilang pagsunod umano sa Social Distancing Guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force (I-ATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

Ang mga TNVS gaya ng Grab Philippines ay matagal ng mayroong cashless payment bagama’t pinapayagan noon ang cash payment sa kanilang mga driver.

 

Sa mga nakausap ng SMNI newsteam na mga taxi driver sa bahagi ng Guadalupe sa Makati, bunsod ng malawak na banta ng COVID-19 istrikto silang nagpapatupad ng contactless payments gamit ang ilang payment applications online.

 

Pabor sila dito para na rin sa kaligtasan anila ng nakararami.

 

Bagama’t mayroon pa rin naman nagbabayad sa kanila ng cash pero bibihira nalang ito nangyayari.

 

Maingat din sila sa pagtanggap ng pamasahe kung hindi na maiiwasan sa mga pasahero.

 

Ibayong pag-iingat nalang ang ginagawa ng ilan para maiwasan ang close contact sa kanilang pasahero.

 

Gaya na lamang ng paglalagay ng barrier sa pagitan ng drayber at pasahero,  pagpapasuot ng face mask at paggamit ng alcohol.

 

Nasa ilalim din ito itinakda ng Social Distancing Guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force (I-ATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa mga taxi, PUV at TNVs,  isusunod na din dito ng pagpapatupad ng contactless payments sa iba pang transport sector gaya ng railways o train services at maritime o pangkaragatan.

 

“Ginagamit na rin natin ang contactless payments system sa TNVs, modern PUV’s, taxis at buses, isusunod na ang contactless payments sa railways aviation at maritime sectors,” pahayag ni Roque sa kanyang Twitter account.

 

Sa ngayon, mariing ipinapaalala ng pamahalaan na posibleng managot ang sinuman na susuway sa regulasyong ito bilang pag-iingat na lumawak pa ang hawaan ng sakit na coronavirus 2019 dahil sa kapabayaan ng iilan na siyang nagdudulot ng kapamahamakan sa iba.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close