resetang gamot
National

Tax na ipinapataw sa mga resetang gamot, pinatatanggal

PINATATANGGAL ang ipinapataw na Value Added Tax (VAT) sa lahat ng mga resetang gamot.

Binuhay ni Sen. Imee Marcos ang panukalang tanggalin ang tax sa mga inireresetang gamot.

Ayon kay Marcos, malaking tulong ito lalo na at malabo pang maaprubahan ang panibagong Sin Tax Bill na magpopondo sa Universal Healthcare Law.

Naniniwala rin si Marcos na hindi maayos na napapatakbo ang PhilHealth sa kabila ng natatanggap na pondo mula sa sin tax.

Mas magiging ma­katotohanan aniya at mas mararamdaman ng mga mamamayan kung maiba­ba ang presyo ng gamot kapag wala ng VAT.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *