Taumbayan, hindi na maloloko —Pastor Apollo C. Quiboloy

Taumbayan, hindi na maloloko —Pastor Apollo C. Quiboloy

NANINDIGAN si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na may malawak na paninindigan ang mga Pilipino kaugnay sa pagpili sa mga karapat-dapat na pinuno ng bansa, isang taon bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Hindi na maloloko ngayon ang mga Pilipino.”

Ito ang ipinaabot na mensahe ni Pastor Apollo matapos na magpalabas ang oposisyon na 1Sambayan ng isang presidential survey kung saan makikita ang pagiging dominado ng pambato nito na si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Pilipinas Online Survey for  2022 elections mula Abril 1 hanggang Abril 30, 2021, lumalabas na mula sa pitong magkakatunggali sa pagkapangulo ay malaki ang lamang ni VP  Leni laban kina Davao  City Mayor Inday Sara Duterte na matunog na tatakbo para sa 2022 presidential elections.

(BASAHIN: Duterte-Marcos tandem sa 2022, lalong lumalakas)

Lamang ang oposisyon sa Luzon at Visayas na may 25% at 6.1% na boto habang si Mayor Inday naman ang nanguna sa Mindanao na may 10.2 % laban kay VP  Leni na nakakuha lamang ng 5%.

Nahigitan din ni Robredo ang iba pa na mga matutunog na presidentiables gaya nina Senator Manny Pacquiao, dating Senador Bongbong Marcos, Senator Bong Go, Manila City Mayor  Isko Moreno at Senator Grace Poe na tumakbo  na rin sa pagkapresidente noong 2016 elections pero hindi pinalad.

Pero ayon sa exclusive question and answer portion ni  Pastor Apollo C. Quiboloy, duda siya sa nasabing survey.

Ayon sa butihing Pastor, hindi niya kinikilala ang Pilipinas Online Survey para magdetermina ng mananalo sa susunod na  halalan sa pagkapangulo.

Naniniwala si Pastor Apollo na maaaring gawa-gawa lang aniya ito ng mismong oposisyon.

Kasunod  nito, pinayuhan ni  Pastor Apollo ang mga kalaban ng pamahalaan sa politika na iwasan na mag-post ng mga survey upang sa huli ay hindi rin maging kahiya-hiya kung matatalo lang din.

Taliwas aniya sa pinalalabas na sure win ng oposisyon.

Nanindigan din si Pastor Apollo na kailanman ay hindi na maloloko ng sinumang oposisyon o  mga kritiko ng pamahalaan ang mga Pilipino pagdating sa pagpili ng susunod na pangulo ng bansa.

Matatandaang, sa mga naunang live television program ng butihing Pastor, personal na hinamon nito ang mga nagnanais na tumakbo sa pagkapangulo na lagpasan pa ng mga ito ang kasalukuyang programa at proyekto ng pamahalaan upang maging daan ng mas malawak na suporta ng taumbayan.

Ani Pastor Apollo, imbes na siraan ang pamahalaan, mas mainam aniya na ipangako ng lahat ng presidentiables kung ano ang magagawa ng mga ito sa susunod na anim na taon na higit pa  sa nagawa ng kasalukuyang administrasyon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *