tatlong scientist
International

Tatlong Scientists, nakatanggap ng Nobel prize kaugnay sa kanilang oxygen research

MAKATATANGGAP ng Nobel prize for medicine ang tatlong scientists para sa kanilang breakthrough research patungkol sa oxygen.

Inanunsyo ng Noble committee noong lunes ang pagkakapili sa US researchers na sina William Kaelin at Gregg Semenza kabilang na ang British researcher na si Peter Ratcliffe.

Naipaliwanag ng mga scientists kung paano tumugon ang cells ng tao sa oxygen availability na magiging daan upang makadiskubre pa ng mga makabagong paraan ang ilang siyentipiko upang tuluyang gamutin ang kanser, anemia at iba pang uri ng mga sakit.

Pagsasaluhan naman ng tatlong scientists ang kanilang mapapanalunang premyo na nagkakahalaga ng 9 million kronor o katumbas ng mahigit 47 milyong piso.

Tatanggapin naman ng tatlong Noble prize awardees ang kanilang premyo mula mismo kay Swedish King Carl XVI Gustaf sa isang pormal na seremonya sa stockholm sa ika-10 ng Disyembre o ang anibersaryo ng pagkamatay ng scientist na si Alfred Nobel na siyang gumawa ng prestihiyosong patimpalak ayon sa kanyang last will and testament.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *