Finals Series
Sports

Tatayong 12 officials sa NBA Finals Series, inanunsyo na

INILABAS na ngayong araw ng NBA ang bubuo sa officiating pool para sa Best-of-Seven Game Finals Series ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Muli namang napili si Mike Callahan para sa ika-16 na pagkakataon bilang isa sa 12 officials.

Kabilang din si Scott Foster na tatayong referee sa ika-12 pagkakataon.

Sasalang at napili din sina Kane Fitzgerald at Eric Lewis sa unang pagkakataon.

Bubuo naman sa 12 officials ay ang Tony Brothers, James Capers, Marc Davis, John Goble, David Guthrie, Ed Malloy, Jason Phillips at Zach Zarba.

Tatayo namang mga alternative referees sina Josh Tiven at Sean Wright.

Sa naging pahayag naman ni NBA President of League Operations Byron Spruell, ang lahat ng Finals referees ay napili base sa kanilang mga kahusayan, dedikasyon at teamwork na ipinakita sa panahon ng postseason.

Magsisimula naman na ang NBA Finals, bukas, May 30 sa Toronto.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *