Talumpati ni Pangulong Duterte sa UN Assembly, sumentro sa COVID-19 vaccines, human rights, Kafala system atbp

Talumpati ni Pangulong Duterte sa UN Assembly, sumentro sa COVID-19 vaccines, human rights, Kafala system atbp

NAGBIGAY ng kanyang talumpati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa High-Level General Debate ng 76th Session ng United Nations General Assembly (UNGA).

Ito ay sa pamamagitan ng isang pre-recorded video statement mula sa Malacañang Palace sa Maynila nitong September 21, 2021 (New York date) o September 22 (Philippine Time).

Inilahad ni Pangulong Duterte ang posisyon ng Pilipinas sa mga malalaking isyu na may mahalagang impact sa bansa.

Ito ay tulad na lamang ng universal access sa COVID- 19 vaccines, climate change, human rights kasama na rito ang kalagayan ng migrant workers at refugees, at developments sa international at regional security.

Kabilang rin ang kampanya ng Pilipinas kontra iligal na droga, isyu sa West Philippine Sea, at pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees.

Partikular din na nakatutok sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic ang naturang assembly ng iba’t- ibang lider ng mga bansa.

Pagdating sa usapin ng bakuna kontra COVID-19, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na hindi matatapos ang pandemya kung hindi masusugpo ang nakamamatay na virus.

“The plain fact is, this pandemic will not end unless the virus is defeated everywhere. Vaccines are key to achieving this. This is why the Philippines committed $1-M to the UN’s Covax facility. This is our modest contribution to our collective fight against COVID-19,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang privileged partners na ibigay ang kanilang buong suporta sa COVAX Facility, na talagang magpapalakas ng cooperation mechanisms.

Punto ng Chief Executive, kinakailangan ito o ang mga bakuna para makaliligtas pa ng maraming buhay, maiwasan ang cycle ng coronavirus variants, at makatutulong na matiyak ang global economic recovery.

Muli namang ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang pagbuwag sa Kafala system sa Middle East.

Ito aniya ay maituturing na oppression sa migrant workers kaya dapat lang na magkaroon ng reporma sa sistemang ito sa ngalan ng hustisya.

“We call for the abolition of “all structures that allow for oppression of migrant workers such as the Kafala,” ayon sa Pangulo.

Pinangunahan ni His Excellency Abdulla Shahid ng Maldives, ang bagong Presidente ng 76th UNGA, na siyang nag-preside sa High-Level General Debate.

Ang tema sa taong ito ay, ‘Building resilience through hope — to recover from COVID-19, rebuild sustainably, respond to the needs of the planet, respect the rights of people, and revitalize the United Nations’.

Inaasahang tatagal mula Setyembre21 hanggang 27 ang UNGA.

Ginawa ang High-Level General Debate sa pamamagitan ng isang hybrid format, in-person o virtual attendance ng mga delegado.

BASAHIN: ICC, nagagamit sa pulitika at propaganda laban kay Duterte —Panelo

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *