Talk to the People ni Pangulong Duterte, ipinagpaliban

Talk to the People ni Pangulong Duterte, ipinagpaliban

Kinumpirma ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na ipagpapaliban muna ang lingguhang Talk to the People (Ulat sa Bayan) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa senador, ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ng pangulo.

Ani Go, gustong matiyak ng Malakanyang na hindi makompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa COVID-19.

Gayunman, tiniyak ni Go na walang dapat ipag-alala sa kalusugan ng pangulo dahil ‘all is well’ aniya ito.

Nasa Malakanyang ngayon si Pangulong Duterte at hindi muna makauuwi ng Davao City dahil nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *