inulan ng batikos
Showbiz

Talent manager na si Jobert Sucaldito, inulan ng batikos matapos sinabihan si Nadine Lustre na sana tumalon na lang sa building

INUULAN ngayon ng batikos online ang Talent manager at Producer na si Jobert Sucaldito kasunod ng hindi kaaya-aya kumento nito sa aktres na si Nadine Lustre.

Sa isang pahayag sinabihan ni Jobert si Nadine na dapat ay tumalon na lamang sa building halintulad sa ipinahihiwatig nito sa Instagram.

Ang naturang reaksyon ng Talent manager ay kasunod ng sagot ni Nadine sa Showbiz Journalist na si Ricky Lo na siyang nagpakalat ng umano hiwalayan nila ng kasintahang si James Reid.

Say ni Jobert, hindi niya nagustuhan ang tila pambabastos ng aktres sa batikang kolumnista.

Anito, walang dapat ibang sisihin sa mga kumakalat na issue kundi sila mismo dahil sa mga pinopost nito sa social media.

Hindi naman natuwa ang mga fans ng Jadine sa umano pangmamaliit at pagbibiro ni Jobert sa sensitibong isyu ng “suicide”.

Dahil dito agad na nagtrending sa Twitter Philippines ang #SuicideIsNotAJokeJobert at #ApologizeToNadine.

Sa ngayon ay hindi pa muling naglalabas ng pahayag ang parehong panig kaugnay ng isyu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *