Taksil na NPA, ibinahagi ang kanyang masalimuot na buhay

Taksil na NPA, ibinahagi ang kanyang masalimuot na buhay

IBINAHAGI ng isang National Cadre Operator ng CPP-NPA-NDF kung gaano naging walang kasing pait ang kaniyang buhay habang siya ay nasa kamay ng mga rebeldeng grupo.

Isang patotoo mula sa isang kadre ng New People’s Army ang mga karahasan na nangyayari sa mundo ng komunistang teroristang grupo.

Isang makabagbag damdamin ang ibinahagi ng isang ina na si Ka Angel na may mataas na katungkulan sa loob ng kilusan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army –  National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Si Ka Angel na isang National Cadre Operator sa loob ng partido kung saan nasaksihan nito ang totoong kaawa-awang buhay ng mga pumapasok at namumundok para sa isang idolohiyang binabalot ng kasinungalingan.

Si Ka Angel ay is sa mga ito na ngayon ay naliwanagan na sa mga panlilinlang ng mga komunistang teroristang grupo, kaya naman buong pusong paglalantad sa karahasan ang dala nito sa ginanap na programanmg Laban Kasama ang Bayan na katuwang ng Gobyerno sa pagbunyag ng mga gawa ng CPP-NPA-NDF.

Dito inilahad ni Ka Angel ang mga masaklap na karanasan ng talikuran nito ang kaniyang pagiging NPA at naki-isa sa gobyerno.

Dahil sa pag tataksil na ginawa ni Ka Angel, isang mapait nakapalit ang sinisingil ng komunistang teroristang grupo na hanggang ngayon ay hindi parin nababayaran ng kaniyang buhay.

‘’Kaya po ang ginawa nila…pang bilog ulo lang para lumitaw ako,’’ayon kay Ka Angel

‘’Yung anak ko po nun nung dinukot ay one and a half year old po…sa loob po ng iskwelahan po ako galing,’’dagdag nito.

Para naman kay Ka Eric na isa ring Kadre ng CPP-NPA-NDF, ang karanasan ni Ka Angel ay isa lang sa marami pang buhay ng mga taong tumatalikod sa idolohiyang komunismo na sumira at kumitil na ng maraming buhay sa loob ng mahigit na 52 taong insurhensiya.

‘’Marami po ang mga kagaya naming…from the bondage of terrorism,’’ayon kay Ka Eric.

Sila Ka Eric, Ka Angel at iaba pang mga Kadre ay iilan lang ng mga naliwanagan sa panlilinlang ng komunistang grupo bagamat buhay man ang kapalit sa pagsuko ay mas pinili nalang nito ang dalikadong buhay kesa mabuhay sa mundo ng kasamaan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *