Taga-Metro Manila, kailangan ng travel pass sa pagpasok sa Tagaytay City

Taga-Metro Manila, kailangan ng travel pass sa pagpasok sa Tagaytay City

NANGANGAILANGAN ng travel pass ang mga residente ng Metro Manila at mga taong manggagaling sa labas ng Cavite upang makapasok sa Tagaytay City.

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Chief of the Joint Task Force COVID Shield, kasabay ng muling pagbubukas ng domestic tourism sa mga residente ng Cavite, ang mga non-residents ay kailangan ng ‘valid reason’ upang makapasok sa sikat na tourist and holiday destination.

Dagdag pa nito, bagaman nagdeklara na ang Tagaytay City na hindi na kailangan ng mga residente ng travel pass ay limitado lang naman ito sa mga residente ng nasabing probinsiya.

Binanggit din ni Eleazar ang guideline na nanggaling sa Inter-Agency Task Force on the Travel Management of Emerging Infectious Diseases na nagbabawal sa pagbiyahe maliban na lamang kung ang indibidwal ay isang authorized person outside of residence at kung ang pagbiyahe ay work-related.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *