fare hike
National

Taas-pasahe sa jeep at bus, posibleng hindi muna ipatutupad

POSIBLENG hindi muna ipatupad ang fare hike sa jeepney at bus sa Nobyembre 3.

Ayon ito kay LTFRB Chairman Martin Delgra.

Matapos maghain ng motion for reconsideration ang isang commuter mula Camarines Norte na humihiling na huwag magpatupad ng taas-pasahe.

Sinabi ni Delgra, mag­sasagawa na sila ng board meeting ngayon para talakayin ang petisyong inihain ng oppositor.

Kasabay nito, muling nagbabala si Delgra sa mga drivers at operators ng UV Express.

Kapag agad nagpatupad ng taas-singil sa pasahe ang mga ito ay papatawan nila ng karampatang kaparusahan.

Nilinaw ng kalihim na hindi pa dapat magpatupad ng fare increase ang mga UV Express.

Dahil wala pang itinakda dito ang LTFRB.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *