Synchronized voters registration sa mga piling mall sa bansa, nag-umpisa na

Synchronized voters registration sa mga piling mall sa bansa, nag-umpisa na

NAG-UMPISA na ang synchronized voters registration sa mga piling mall sa bansa.

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec)) ang publiko sa mga hindi pa rehistrado na samantalahin na ngayon ang synchronized voters registration sa mga piling malls sa bansa.

Matapos pagtibayin ng Commission on Elections ang ugnayan nito sa SM malls para sa synchronized voters registration, umarangkada na kaninang umaga ang sabayang pagpaparehistro para sa 2022 elections sa Mayo.

Dahil nasa ilalim pa rin sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region, papayagan lamang na tumanggap ang election officers ng mga aplikante sa piling malls ng Robinsons malls, Ayala malls, at SM Supermalls hanggang alas-5 ng hapon.

Nauna nang iginiit ng Comelec ang kahalagahan ng pagpaparehistro bilang bahagi ito ng demokrasya ng bansa sa pagpili ng tamang politiko ngayong darating na botohan.

Si tatay romeo, masaya siya sa kanyang ikatlong pagkakataon na boboto para sa eleksiyon.

Nang tanungin namin sa kanyang karanasan sa pagpaparehistro, maayos naman aniya ang proseso lalo na sa mga katulad niyangs senior citizen.

Samantala, upang matiyak ang kaayusan sa mga pila, katuwang ng Comelec ang mga kapulisan at ilang mall security para bantayan ang pag proseso sa mga hindi pa rehistrado lalong lalo na ang pagsunod sa mga health protocols.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *