makapal na usok
International

Sydney, nabalutan ng makapal na usok dahil sa nagpapatuloy na bushfire sa Australia

BINALOT ng matinding usok ang syudad ngayong martes dahil sa nagpapatuloy na bushfires na nagmula sa eastern seaboard ng bansa.

Binalaan ng mga otoridad ang publiko na mag-ingat at kung maaari ay manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay dahil sa polusyon na dala ng matinding usok.

Umabot ang pollution level ng hangin sa pm 2.5 particulates o sampung beses na mas mapanganib sa itinalagang hazardous levels at maikukumpara sa air quality index ng New Delhi.

Nasa isang milyong ektarya na ang tinupok ng apoy habang anim katao na ang nasawi at nasa 300 kabahayan na rin ang nasira simula ng maganap ang bushfire season noong buwan ng Setyembre.

Sa ngayon ay hindi bababa sa 100 na bushfires ang patuloy na inaapula sa eastern seabord ng Australia kung saan ang ilan dito ay hindi pa kontrolado ng mga otoridad.

 

SMNI NEWS 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *