shortlist
National

Susunod na Ombudsman, depende sa shortlist ng JBC

Nakadepende pa rin ang malakanyang sa isusumiteng shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) ang susunod na hihiranging ombudsman na siyang papalit kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nakatakdang magretiro sa Hulyo.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, aantabayanan ng Malakanyang ang isusumiteng shortlist ng JBC na siyang pagbabasehan ng Pangulong Duterte sa kaniyang itatalaga sa posisyon.

“Wala kaming maisasagot because the president chooses from nominees of the JBC hindi naman kami pwede mamili on our own o ang presidente mismo.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

Ang mga nagpahayag ng kanilang kagustuhan sa nasabing posisyon at nag-apply sa JBC para mapasama sa shortlist ay sina Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz, Special Prosecutor Edilberto Sandoval, Labor Secretary Silvestre Bello III, Judge Carlos Espero II, Edna Batacan, Rex Rico, Rey Ifurung, Felito Ramirez at Rainier Madrid.

Kaya payo ng Palasyo sa mga nais makuha ang posisyon sa Ombudsman.

 “Sampu po sila so may the best men or women or man or woman prevail.” – Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson

 Pangulong Duterte, ayaw sa babaeng Ombudsman

Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na ayaw nito ng politiko at babae para maging Ombudsman iginiit ng chief executive na gusto niya ang maitalaga ay may integridad.

 “Magnominate sila pero gusto ko bilib ang tao sa integrity niya of course it would not be politician lalo na hindi babae.” – Pres. Rodrigo Duterte

Naniniwala si Roque na hindi intensiyon ni Pangulong Duterte na ma-discriminate ang mga kababaihan kasunod ng pahayag ng chief executive na ayaw nito ng babae na maitalaga sa Ombudsman.

Ayaw naman nitong magbigay ng komento Kung bakit nasabi ito ng pangulo.

Sinabi ng tagapagsalita ng Malakanyang na kanya muna itong itatanong sa pangulo kung ano ang ibig sabihin ng naging pahayag nito.

 Ulat Ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *