Bo Perasol
Sports

Suspensyon ni UP coach Bo Perasol, tuloy pa rin sa kabila ng apela nito

PATULOY pa rin ang suspenyon ni University of the Philippines coach Bo Perasol sa kabila ng apela nito sa University of Athletic Association of the Philippines o UAAP.

Ayon kay Uaap Season 82 Commissioner Jensen Ilagan, magpapatuloy ang ipinataw na 3 games suspension kay Perasol dahil sa pag-atake nito sa isang referee sa kalagitnaan ng laro ng UP kontra Ateneo noong nakaraang linggo.

Dagdag pa ni Ilagan, hindi man lamang humingi ng paumanhin si Perasol sa liga dahil sa ginawa nito pagkompronta.

Giit ni Ilagan, hindi man tama ang tawag ng referee ay hindi pa rin tama ang paglapastangan ni Perasol dito at dapat ay pinairal pa rin nito ang respeto sa lahat ng oras.

Dahil naman sa patuloy na pag-atake nito sa referee kaya ginawa ni Ilagan na three games ang suspensyon ni Perasol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *