pulis sa loob ng Bilibid
National

Suspension order laban sa 27 opisyal ng BuCor, ipatutupad ng DOJ

HANDANG sundin ng Department of Justice (DOJ) ang utos ng Office of the Ombudsman na suspendihin ang 27 opisyal ng Bureau of Correction o ng BuCor na iniuugnay sa umano’y “GCTA for sale” sa Bilibid.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aatasan ng DOJ sa pamamagitan ng kanilang oversight committee ang BuCor OIC na isilbi ang notice ng preventive suspension at agad itong ipatupad.

Nitong Lunes, ipag-utos ng Ombudsman ang anim na buwan na suspensyon na walang sahod sa 27 BuCor officials.

Kabilang sa sinuspinde ay si BuCor Documents and Record Section Chief Ramoncito Roque at si Corrections Senior Insp. Maria. Belinda Bansil na pawang dumalo sa pagdinig ng Senado noong Lunes.

3 pang opisyal ng BuCor, pinasusupende na rin

Pinasusupinde na rin ni Ombudsman Samuel Martires ang tatlong pang opisyal ng Bureau of Corrections.

Kabilang pa sa pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ay sina Correctional Institute for Women Superintendent Maria Fe Marquez, BuCor Legal Division Chief Atty. Frederic Anthony Santos at BuCor Correctional Officer III Joel Nalva.

Ang tatlo ay mga key persons sa isinagawang pagdinig ng Senado ukol sa maanomalyang pagpapatupad ng GCTA Law na nagresulta ng pagkakalaya ng 1,914 heinous crime convicts.

Si Marquez ang naglagda sa release order ng tatlong convicts sa 1997 rape and murder sa magkapatid na sina Marijoy at Jacqueline Chiong.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *