Suspek sa pagnanakaw ng alahas at pera sa bahay ni Asec. Libiran, nahuli na

Suspek sa pagnanakaw ng alahas at pera sa bahay ni Asec. Libiran, nahuli na

NAHULI na ang suspek sa pagnanakaw ng alahas at pera sa bahay ni Asec Goddes Hope Libiran.

Nagtungo si Asec. Libiran sa Mangaldan Police Station upang makita ang suspek sa pagnakaw ng alahas at pera sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala ang suspek na si Marilou Morales 60 taong gulang residente sa Brgy Gueguesangen Mangaldan Pangasinan.

Samantala, hindi napigilan ni Libiran ang kanyang emosyon at nasirmonan nga ang suspek.

Ayon kay PLTC. Vicente Castor Jr. Chief of Police ng nasabing police station nahuli ang suspek dahil sa sumbong ng mga netizen sa lugar.

Dagdag pa rito sinabi ni Libiran nakapasok ang suspek sa kanilang bahay noong Disyembre 30, 2021 bilang isang kasambahay noong Enero 8, 2022 naman isinagawa ng suspek ang pagnanakaw.

Aabot sa mahigit 1 milyong piso na halaga mg alahas at perang natangay ng suspek.

Desidido si Libiran na sampahan ng kaso ang suspek.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *