sa Christchurch
International

Suspek sa Christchurch attacks, naghain ng not guilty plea

NAGHAIN ng not guilty plea ang naarestong suspek sa naganap na mass shooting sa Christchurch sa New Zealand noong Marso.

Sa pagharap sa korte ni Brenton Tarrant na isang Australyano, naghain ito ng not guilty plea para sa 51 counts ng kasong murder, 40 counts ng attempted murder at isang count ng terrorism charge.

Makikita naman ang suspek sa pagharap sa korte na tahimik lamang na naka-upo habang naluluha ang mga kaanak ng mga nasawi sa Christchurch attacks.

Itinakda ng korte ang paglilitis sa kaso ni Tarrant sa Mayo 4 ng susunod na taon habang sa Agosto 16 ang pagdinig sa case review nito.

Ang Christchurch attacks noong Marso sa New Zealand ang kauna-unahang kaso ng terorismo sa kanilang kasaysayan.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *