security forces
National

Surveillance at intelligence work ng security forces, dapat paigtingin pa

INATASAN ng Malacañang ang security forces na palakasin pa ang kanilang surveillance at intelligence work.

Ito’y matapos tukuyin ng militar na ang kauna-unahang Filipino suicide bomber ang nasa likod ng twin blast sa Indanan, Sulu noong June 28.

Kahapon nang kumpirmahin ng AFP at PNP na isa sa dalawang suicide bomber na si Norman Lasuca ay isang Filipino base sa DNA results habang inaalam pa ng militar kung paano ito naturuan sa suicide bombing.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakakabahala na mayroon ng Filipino suicide bomber, na malayo aniya sa karakter ng mga Pinoy na magpapakamatay para sa terorismo.

Hinimok naman ni Panelo ang publiko na maging mapagmatiyag at agad ireport ang mga kahina-hinalang kilos sa mga kinauukulan.

Sinabi rin ng opisyal na nakadepende kay Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin muli ang Martial Law sa Mindanao kasundo na rin ng naganap na suicide attack.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *