Surigao del Norte, niyanig ng Magnitude 5 na lindol

Surigao del Norte, niyanig ng Magnitude 5 na lindol

NIYANIG ng Magnitude 5 na lindol ang Surigao del Norte kaninang madaling araw.

Naitala ang pagyanig sa 21 kilometro hilagang-silangan ng Dapa, Surigao del Norte, kaninang alas 3:21 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 55 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 4 sa General Luna, Burgos, at Socorro sa Surigao del Norte, maging sa San Jose, Dinagat Islands.

Intensity 3 sa Surigao City at Dapa, Surigao del Norte habang Intensity 2 sa Carrascal at Tubod sa Surigao del Sur, at sa Loreto, Dinagat Islands.

Wala namang inaasahang pinsala matapos ang pagyanig gayunpaman nagbabala ang Phivolcs ng posibleng aftershocks.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *