Supply agreement ng 40-M Pfizer doses, sinelyuhan na ng Pilipinas at US

Supply agreement ng 40-M Pfizer doses, sinelyuhan na ng Pilipinas at US

INAASAHANG magsisimulang dumating sa Pilipinas ang bulto-bultong suplay ng Pfizer COVID-19 vaccine doses pagkatapos ng walong linggo simula sa Agosto.

Ito ani vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. matapos aniyang pirmahan ng Pilipinas at ng United Sstates drugmaker Pfizer-BioNTech ang supply agreement para sa procurement ng 40 million doses ng bakuna.

Kasama ni Galvez na lumagda sa naturang kasunduan si Health Secretary Francisco Duque III.

Pahayag ng vaccine czar, ang nabanggit na kasunduan ang pinakamalaking vaccine procurement agreement na isinagawa ng gobyerno ngayong taon.

Ibinahagi ni Galvez na bumababa na ang demand ng COVID vaccines sa mga malalaki at mayayamang bansa dahil nakakuha na sila ng sapat na bakuna para sa kanilang populasyon.

Ito aniya ang dahilan kaya pumayag ang manufacturer at nag-commit na magkakaroon ng delivery ng suplay ng bakuna sa Pilipinas.

Ang nasabing procurement deal ay pinondohan sa pamamagitan ng isang multilateral arrangement sa Asian Development Bank (ADB).

Sa paraang ito, matitiyak umano na transparent ang transaksyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines dahil hindi dadaan sa kahit kaninong kamay ng opisyal o ahensya ng gobyerno ang pondo para rito.

Mababatid na sa iba pang naging procurement agreement ng Pilipinas, naka-secure na ang bansa ng 113 million doses mula sa limang vaccine manufacturers – kabilang na rin ang 26 million doses ng Sinovac mula China, 10 million doses ng Sputnik V ng Russia, 20 million doses mula sa Moderna at 17 million doses sa AstraZeneca.

Samantala, nasa 44 million vaccine doses pa ang inaasahang darating sa Pilipinas na manggagaling sa COVAX Facility habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa 16 million doses mula sa Johnson & Johnson at NovaVax.

(BASAHIN: Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *