Suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, bumuhos matapos siraan ng isang malisyosong post sa social media

Suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, bumuhos matapos siraan ng isang malisyosong post sa social media

BUMUHOS ang suporta mula sa social media para sa SMNI Media Network at kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Kaugnay ito sa isang malisyosong post ng isang self-proclaimed millennial writer na si JP Abecilla kung saan tahasang ininsulto nito ang SMNI TV network ni Pastor Apollo.

Makikita sa kanyang facebook account, sinabi nitong dapat na mahiya ang mga taong sumusuporta sa SMNI.

Kinondena rin nito ang mga Kristiyano na patuloy na nagsi-share ng mga social media posts ng SMNI lalo na sa mga ipinapalabas nitong programa na may kaugnayan sa mga achievements o nagagawa ng gobyerno.

Sa programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy na Powerline, agad itong tinalakay ng butihing Pastor at sinabing walang masama sa pagsuporta sa pangulo gayong marami ang nagagawa nito sa bansa.

Pero para sa marami, wala  anila silang dapat na ikahiya sa pagsuporta sa SMNI at sa butihing Pastor.

Mayorya dito ay nagpaabot ng pasasalamat dahil sa magagandang mga balita na kanilang naririnig at nakikita sa SMNI lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan.

Si Drew Javier, sa kaniyang post, labis ang pasasalamat nito sa SMNI TV network dahil sa dito lamang sila nakakakuha ng update sa mga proyekto ng gobyerno at bukod tangi aniyang media na nag-cover sa expose ni Ka Eric laban sa mga CPP-NPA-NDF na hindi aniya nito nakikita sa ibang mainstream media.

Mula naman kay Fhkoi Enthusiasts, highly recommended niya ang SMNI bilang reliable source of information.

Si Presila Omilda Villanueva ay ipinagmamalaki naman nito ang hashtag Smni News Channel.

Samantala, para kay Estrella Saturinas Ompad, aniya, hindi nito tiningnan ang pagiging isang katoliko o kaiba ng relihiyon kay Pastor Apollo sa pagsuporta nito sa SMNI at hindi nito inaasahan na mayroon pa palang media outlet sa bansa puro katotohanan lang ang ibinabalita.

Ilan lamang ito sa mga komentong tinanggap ng SMNI News Channel page kung saan kaliwa’t kanan ang pasasalamat ng lahat dahil sa mga balitang  hatid nito sa bayan.

Para naman kay Pastor Apollo, nanindigan ito na walang halong pulitika ang pagsuporta nito sa gobyerno kasabay ng paniniwala na ang mga ganitong klaseng paninira ay posibleng galing sa mga taong may galit sa pamahalaan o kontra sa gobyerno.

Iginiit ni Pastor Apollo na hindi na ito bago para sa kaniya ang mga mapanirang komento ng ibang tao at grupo, pero sa huli may batas ang lupa at ipinapasa-Diyos din nito ang hatol sa iba.

(BASAHIN: Mga komunista sa likod ng ilang community pantry sa bansa, tinawag na mapagkunwari ni Pastor Apollo C. Quiboloy)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *