Suplay ng tubig
National

Suplay ng tubig, posibleng kulangin sa susunod na taon

POSIBLENG kulangin ang suplay ng tubig sa susunod na taon kung magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Iyan ang naging pahayag ng National Water Resources Board (NWRB) Executive Director na si Dr. Sevillo David Jr.

Aniya, wala pa sa target nilang dami na 212 meters ang taas ng tubig sa Angat Dam para maging sapat ang supply ng tubig sa susunod na taon.

Nasa normal elevation pa rin naman ang ibinaba na 187.49 meter na lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa madalang na pag-ulan nitong nakalipas na dalawang linggo.

Bumaba naman aniya ng 13-15% ang suplay ng tubig sa Metro Manila, nasa sa 40 cubic meter na suplay ng tubig ang natatanggap ng mga residente mula sa normal na suplay nito na 46 cubic meter.

Posibleng makaramdam ng water interruption ang ilang bahagi ng Metro Manila sa natitirang buwan ng taon, alinsunod na rin sa pag kontrol ng supply ng tubig na sinusubukan pa ring paabutin sa susunod na taon.

Patuloy pa rin aniya silang umaasa sa ulan na dala ng hanging amihan na magdadagdag ng tubig sa Angat Dam.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *