Suplay ng kuryente, sapat ngayong summer —DOE

Suplay ng kuryente, sapat ngayong summer —DOE

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente ngayong tag-init.

Ayon sa DOE, walang red alert o nakaambang pagkulang ng reserbang kuryente ngayong summer.

Dagdag pa ng DOE, posibleng umabot ng 11,841-megawatts ang demand sa kuryente ng Luzon sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

Kaya may posibilidad ayon sa DOE ng pagnipis sa suplay ng kuryente o yellow alert.

Subalit dahil mababa ang demand ng suplay ng kuryente, ang projection ng yellow alert ay hindi rin mangyayari.

“So, for those period na ini-expect or sinasabi ng may yellow or red alert, hindi po siya mangyayari. We will have sufficient levels of supply as long as wala nang additional outages na mangyayari from big plants,” pahayag ni DOE Asec. Redentor Delola.

Sinabi naman ni Undersecretary Felix William Fuentebella wala dapat ikabahala ang mga konsyumer tungkol sa yellow alert status dahil hindi ito hahantong sa power interruption.

“Huwag na tayong mangangamba kasi mayroon pa tayong sufficient na kuryente hindi siya nagreresulta sa power interruption. Pero kapag nag-red alert na po, ‘yun yung magkaroon na po ng rotating brownout,” ayon kay Fuentebella.

Dagdag ni fuentebella na mahigpit nilang minomonitor ang sistema kapag tumungtong na sa yellow alert upang maiwasan pa ang pagtirik ng malalaking planta na magiging dahilan sa rotating brownout.

Sinabi naman ni Asec. Delola na kahit pa bumalik sa general community quarantine ang NCR Plus pagdating ng Mayo, hindi pa rin nila nakikitang maaabot ng rehiyon ang inaasahang demand sa enerhiya.

(BASAHIN: Meralco, tatalima sa “no disconnection policy” sa lifeline costumers)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *