parusa sa power concessionaires
National

Suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init, sapat

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na sapat ng supply ng kuryente sa buong bansa ngayong panahon ng tag-init.

Sa pagtaya ng ahensya, sapat ang supply ng kuryente sa mga buwan ng Marso hanggang Hunyo.

Kahit pa mayroong weal El Niño phenomenon na tatagal pa hanggang sa Abril.

Ayon kay energy spokesperson, Undesecretary Wimpy Fuentebella, sa supply side ay walang magiging problema ang bansa sa energy source.

Dahil sa dami ng energy reserves na maaring pagkunan sakaling magkaroon ng energy shortage.

Sapat ng supply ng kuryente sa Luzon at walang maitatalang power disruption.

Maging sa Visayas ay wala ring nakikitang banta ang ahensya.

Sa Mindanao, nasa 51% ang epekto ng weak El Niño sa mga hyrdo powerplants.

Subalit may mga koordinasyon na ang DOE sa mga planta para masupply ng kuryente sa rehiyon.

Kaugnay niyan ay hinihimok din ng ahensya ang mga powerplants na huwag magpatupad ng maintenance shutdown.

Ito ay upang mapanatili ang supply ng kuryente.

Ipagpababawal din ng DOE ang mga maintenance shutdown sa lahat ng planta sa buong bansa isang linggo bago at pagkatapos ng eleksyon.

Samantala, tiniyak din ng DOE na may sapat na kuryente sa mismong araw ng eleksyon.

Sa pagtaya ng ahensya, normal ang supply ng kuryente sa darating na election week o ang mga araw sa gitna ng Mayo 10 – 16.

Tinitiyak ng DOE na magagamit ang mga vote counting machines.

Kabilang ang lahat ng mga election paraphernalia na nagangailangan ng kuryente ngayong halalan.

Patuloy rin ang paalala ng DOE sa mga consumers na huwag magpakakumpiyansa at laging magtipid ng kuryente.

Sa kabila ng hindi makakaapekto sa supply ng kuryente ang malaking demand mula sa mga consumers ngayong tag-init.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *